Parent Testimonial – Ms. Ayessa R. Sta. Maria

Parent Testimonial - Ms. Ayessa R. Sta. Maria - Stella Maris Academy of Malolos

HOW SMA TEACHERS HANDLE ONLINE CLASS

Alam nating lahat ang hirap na dala ng pandemya lalo na pagdating sa pag-aaral ng ating mga anak. Madami ang hindi nakapag-desisyon agad kung itutuloy ang pag-aaral ng mga bata sa pamamagitan ng online class. Ganoon pa man, ako at ang aking asawa ay hindi nag-dalawang isip na mag-patuloy at mag-enroll sa SMA dahil alam namin at tiwala kami sa kakayanan ng eskwelahan at ng mga guro.

Salamat sa mga guro sa lahat ng sakripisyo para maihatid ang quality education sa mga bata sa panahon ng pandemya- kung paano nila ginagawang interesante ang kanilang klase para hindi mainip o ma-bore ang mga mag-aaral, kung paanong naiihatid nila nang malinaw at maayos ang mga leksyon sa tulong na din ng teknolohiya, kung paano nila nagagawang gabayan ang mga bata kahit hindi nila kasama personal. Maayos ang sistema sa mga bata lalo na sa pag-papatupad ng rules & regulations. Para din silang nasa loob ng classroom. Bukas din ang kanilang komunikasyon kung may nais kang malaman tungkol sa iyong anak. Very approachable ang mga teachers at staff. Sumasama kasi ako minsan sa klase ng anak ko para obserbahan ang mga ginagawa nila. Madaming taon na din ang aming pinag-samahan ng SMA at mga guro kaya hanggang ngayon sa kanila ko pa din ipinag-kakatiwala at ipag-kakatiwala ang aking anak. Salamat po.

More Power, SMA & Teachers!


Ms. Ayessa R. Sta. Maria
, Parent of a Grade 7-Learner